|
||||
|
“Offering Hope at the point of need with a view to Help them succeed” For over 35 years, the Christian Hope Association has been faithfully serving north Whatcom County communities with a variety of basic human social service needs. |
||||
|
||||
|
Apostles Creed Study Guide in Tagalog Isang Pag-aaral ng Panalig ng Mga Apostol Sa Wikang Pilipino (Tagalog) Ang Panalig ng Mga Apostol ay hindi mismong bahagi ng Bibliya, ngunit isang kabu-uan ng mga turo ng Iglesya kristiyana. Ang labing-dalawang (12) Kapahayagang ito ng Pananampalataya ay buhat pa nuong unang daang-taon at nagtataglay ng katutubong linaw, ganda at katotohanan. Bawat pahayag ay isa-isang pinag-aaralan, may kaakbay na talata sa Bibliya at Mga Tanong. Ang sumusunod na pag-aaral ay magagamit sa pansarilinan o pangmaramihan. I. Sumasampalataya ako sa Dios Amang Makapangyarihan sa tanan, Lumikha ng langit at lupa. 1. Basahin ang kasaysayan ng Pagkalikha ayon sa natala sa kabanatang 1 at 2 ng Genesis. 2. Basahin ang sinasabi ng Dios tungkol sa mga Israelitas sa aklat ni Isaias 40:6-31. 3. Basahin ang katugunan ng Dios sa mga alinlangan ng isa Niyang anak sa aklat ni Job, kabanatang 38-41. 4. Basahin kung ano ang damdamin ng Dios ukol sa mga hindi nanambahan sa Kanya bilang Lumikha, ayon sa nasulat sa Mga Taga Roma 1:18-25.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Upang maunawaan ang Genesis ay kailangan ang karaniwang pag-iisip at pananalig na tulad ng sa isang bata. Bakit kaya mahirap tanggapin ng ibang tao ang payak na nasulat sa nasabing aklat? Basahin din ang I Corinto 1:18-31. 2. Dahil sa ang Dios ay gayong kadakila, makapangyarihan at sapat sa lahat nang bagay, bakit pa Siya kailangang makitungo sa sangkatauhan? Tingnan din sa I Pedro 3:8-10. 3. Gamiting halimbawa si Job na sinubok ng Dios upang disiplinahin, ano ang ating gagawin o sasabihin? Maghimagsik? Mangatuwiran, Mag-alinlangan o Sumuko? Basahin din ang kabanatang 1 at 2 ng nasabing aklat. Bigyang-pansin ang Job 2:9-10. 4. Sa nasabing mga talata, ano ang kasalanan at ang loobin naman ng Dios dito?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
II. At kay Hesukristo na Bugtong Niyang Anak at ating Panginoon 1. Basahin kung paanong ang pagkapanganak ni Hesus ay hinulaang magaganap sa Lukas 1:25-36 at ang mismong pagkapagkatawang-tao Niya sa Lukas 2:1-20. 2. Basahin kung paano ipinaliwanag ni Hesus ang pagiging iisa Niya sa Dios Ama ayon sa Juan 20:17 at mga talatang 28-29. 3. Basahin ang Mga taga-Roma 8:1-4 upang makita ang kaugnayan ng Dios Ama at ng Anak niyang si Hesukristo. 4. Basahin ang Juan 1:1-5 upang makita ang banal at walang hanggang likas ni Hesus.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Pagparisin ang Mikas 5:2 na nasulat daang-taon bago ipinanganak si Kristo ayon sa kasaysayan nito sa Bagong Tipan. 2. Ano ang pangako ni Hesus sa kaninomang tatanggap sa Kanya bilang Tagapagligtas at Panginoon. 3. Sa paano ipinaliliwanag ng talatang 3 ang katanungan tungkol sa kung sino si Hesus at ang dahilan kung bakit Siya nanaog dito sa lupa? 4. Ano ang ipinahahayag ng talatang ito tungkol sa pagiging pareho ng Ama at ng Anak?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
III. Nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ipinanganak ni Birhen Maria. 1. Basahin ang Mateo 1:18-25 at ang karagdagan nito sa kasaysayan ni Lukas tungkol sa pagkapaglihi kay Hesus. 2. Basahin ang Taga Hebreo 4:14-15 at Lukas 2:41-52 at alamin kung paanong tinaglay ni Hesus ang likas na katangi-an ng Dios habang Siya'y nabubuhay sa lupa. 3. Basahin ang Isaias 9:6-7 at Isaias 7:13-14 at iparis ang hula tungkol sa kapanganakan ni Hesus at ang naging katuparan at kapahayagan nito sa Bagong Tipan. 4. Basahin ang mga talatang 17-23 ng maikling sulat ni Judas at bigyang-pansin ang ginagawa ng Espiritu Santo sa buhay ng mga Kristiano.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Ano sana ang gagawin ni Jose nang matagpu-an niyang si Maria ay nagdadalang-tao, at ano ang kanyang ginawa? 2. Ano ang damdamin mo sa pagkaalam na si Hesus ay siyang Tagapamagitan sa Ama, at namuhay Siya sa lupa na nakiharap sa lahat ng uri ng suliraning tulad ng sa atin? 3. Bakit mahalaga sa ating mga Kristiano ang kaisipang si Hesus ay ipinaglihi at ipinanganak ni Birhen Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo? 4. Kung gayon nga, ay ano naman ang dapat nating itugon bilang mga Kristiano?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ I V. Nagdusa sa ilalim ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing at nanaog sa impierno. 1. Basahin ang salaysay tungkol sa pagdakip, paglilitis, pagkapagpako sa krus at pagkapaglibing kay Hesus ayon sa sulat ni Juan, kabanatang 18 at 19. 2. Basahin sa Mateo 26:52-54 at alamin ang dahilan kung bakit si Hesus ay hindi gumanti sa mga umupasala sa Kanya. 3. Basahin sa Taga Hebreo 2:14-17 at unawain kung bakit kinailangang si Hesus ay mamatay. 4. Basahin sa Mateo 27:45-46 at Lukas 22:39-44 at nang mabatid kung paanong si Hesus ay nagdusa ng hirap sa impierno (para sa atin) nang Siya'y lubos na pinabayaan ng Ama sa langit. Efeso 4:8-9
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Kailan man ba'y nagkasala si Hesus? Naaangkop ba ang parusa na dinanas Niya? At para sa kaninong mga kasalanan Siya pinarusahan? 2. Basahin din ang Juan 12:27 upang makita ang lubos Niyang pagkapagtalaga, Ano ang layon ng Kanyang pagpanaog sa lupa? 3. Ayon sa Taga Hebreo 2:16 sino-sino ang mga "anak" ni Abraham at bakit kinailangan ang pagkamatay? (talatang 14-15) 4. Ano ang mga dinanas ni Hesus na kahirapan sa impierno at bakit Niya ito kinailangang danasin?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
V. Sa ikatlong araw ay nagbangon mula sa mga patay. 1. Basahin ang salaysay ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Hesus ayon sa Juan 20. 2. Basahin ang I Taga Corinto 15 at ang paliwanag ni Apostol Pablo tungkol dito. 3. Basahin sa Taga Efeso 2:1-7 at maalaman kung paanong ang mga Kristiano ay muli ding bubuhayin kay Kristo. 4. Basahin sa Taga Colosas 3:1-4 at alamin ang iyong gantimpala sa muling pagkabuhay ayon kay Apostol Pablo.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Paano pinatunayan ni Hesus na may kapangyarihan Siya sa ibabaw ng Kamatayan? 2. Anong kaaliwan ang matatamo ng isang Kristiano sa Muling Pagkabuhay mula sa patay? 3. Ipaliwanag ang pagkaunawa mo sa Efeso 2:5 -- gayong lahat ay nagkasala at marapat na sila ang magdusa sa impierno. 4. Sa dinami-dami ng mga tao sa mundo, bakit ang mga Kristiano lamang ang may karapatang lumigaya?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
VI. Nakyat Siya sa langit at nakaluklok sa kanan ng Dios na makapangyarihan sa lahat. 1. Basahin ang salaysay tungkol sa Pag-akyat ni Hesus sa langit ayon sa Mga Gawa 1:1-11. 2. Basahin ang Taga Hebreo 9:24-28 at alaming si Kristo at nasa langit ngayon para sa sarili nating kapakanan at kapakinabangan. 3. Basahin ang Taga Hebreo 4:14-16 upang matalos kung bakit tayo'y dapat magtiwala at mamuhay na may utang na loob sa Panginoon. 4. Basahin sa I Juan 2:1 upang maalaman ang ginagawa ni Hesus sa langit. 5. Basahin sa Taga Efeso 2:1-9 at unawaing ang walang hanggang buhay kasama ni Kristo ay isang kaloob na biyaya at hindi natin matatamo sa pamamgitan ng sariling gawa.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ _________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Ano ang bautismo sa Espiritu Santo na ipinangako ni Hesus sa mga alagad Niya? Iparis ito sa mababasa natin sa Mga Gawa 2:1-41. 2. Bakit sapat na ang Isang Handog? 3. Bakit tayo makapananalangin na may tiwala sa Dios na Makapangyarihan sa lahat? 4. Ang pagiging Kristiano ba'y nanagangahulugang hindi na maaring magkasala pa? 5. Iparis sa Taga Galacia 4:1-7. Ang pagsunod kaya sa Dakilang Atas na "Humayo sa boong daigdig" ay madaling gawin?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ _________________________________________________________
VII. Mula roon ay babalik na muli upang hukuman ang mga buhay at patay. 1. Basahin ang Taga Filipos 3 upang maalaman ang dapat maging puntahin ng bawat Kristiano. 2. Basahin sa Tito 2 at alamin kung paano dapat mamuhay ang isang Kristiano habang naghihintay sa muling Pagbabalik ni Kristo sa lupa. 3. Basahin sa I Taga Tesalonika 4:13-18 at tingnan ang katuruan ng Kasulatan tungkol sa Muling Pagbabalik ni Kristo sa lupa. 4. Basahin ang mga talinghaga na isinaysay ni Hesus sa Mateo 25. 5. Basahin ang II Taga Tesalonika 1:3-10 at alamin ang tungkol sa Katarungan ng Dios.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ _________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Ano ang dapat maging damdamin ng Kristiano habang binabasa ang talatang 20 (ng Taga Filipos 3) na si Hesus pala ang kanyang Lumikha, Tagapagligtas at Hukom? 2. Ano ang mapalad na pagasa ng Kristiano? 3. Iparis ang isinasaad ng bahaging ito sa Apokalipsis 1:7 upang makita ang kakaibang damdamin ng lahat na sasaksi sa Pagdating na muli ni Kristo. 4. Tukuyin ang ilan sa mga hinihingi ni Hesus para tayo maligtas? 5. Sapagkat ang lahat nang tao'y makasalanan, at ang lahat na kasalanan ay dapat pagdusahan, paano makaliligtas ang mga Kristiano?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ _________________________________________________________
VIII. Sumasampalataya ako sa Banal na Espiritu. 1. Basahing muli ang Taga Galacia 4:4-7 upang makita kung paano binago ng Espiritu ang mga alipin ng pagkakasala upang maging mga anak ng Dios. 2. Basahin ang II Taga Corinto 1:20-22 na nagtutuo ng mga pamamaraang ginagamit ng Dios upang matulungan ang mga anak Niya na maging matatag sa pananampalataya. 3. Basahin ang Taga Efeso 1:13-14 at tingnan kung paano isinasakatuparan ng Dios ang pagkatawag natin sa pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng Espiritu. 4. Basahin ang I Pedro 1:1-2 at tingnan kung paano hinihirang ng Dios ang mga Kanya.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ Mga Tanong: 1. Mula saan tinubos ang Kristiano? At patungo saan ang pagkatubos na iyon? 2. Iparis itong bahagi (sa II Corinto 1:20-22) sa Mga Awit 1. Paano tumutugon ang Kristiano sa mga iniuudyok ng Banal na Espiritu? 3. Anong kaaliwan ang dulot ng Banal na Espiritu sa atin ngayon at magpakailan? 4. Paano ipinakikita sa Taga Roma 8:18-27 ang gawaing pagbabanal sa buhay ng mga hinirang Niya?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
IX. Sumasampalataya ako sa banal at laganap na iglesya, ang pagkakaisa ng mga binanal. 1. Basahin sa Genesis 26:1-6 at makita kung kailan unang hinulaan ang pagkakaroon ng malaganap o pangdaigdig na iglesya. 2. Basahin ang Mga Gawa 10 at maalamang si Hesukristo ay Panginoon ng lahat at pati ang mga hindi Hudyo man ay maaring maging bahagi ng Kaharian ng Dios. 3. Basahin ang I Taga Corinto 12 upang maunawaan na ang iglesya ni Hesukristo ay iisang katawan ngunit maraming mga sangkap. 4. Basahin ang Taga Efeso 4:1-16 at nang matutuhan kung paano lumalago ang katawan ni Kristo at lumalakas sa pagibig.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Alin sa mga bansa sa Matandang Tipan ang "Hinirang na Bayan" ng Dios? 2. Sa paanong paraan natutupad ang sinabi sa Genesis 26:4 sa Mga Gawa 10? 3. Paano humahantong sa ikasasaya ng katipunan ng mga binanal kung ginagamit ang lahat at iba-ibang kaloob ng Dios para sa Kanyang ikaluluwalhati? 4. Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa loob ng katawan ni Kristo kung ang layunin ng bawat Kristiano ay pagbibigay-puri sa Dios?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
X. Sa kapatawaran ng mga kasalanan. 1. Basahin ang I Juan 1:7 at I Juan 2:1-2 upang maalaman kung ano ang nangyayari pag ang isang Kristiano ay nahuhulog sa pagkakasala. 2. Basahin ang Taga Roma 7:21-25 at alaming kahit ang isang ligtas na Kristiano ay dapat makibaka laban sa makasalanang likas ng tao. 3. Basahin ang Taga Roma 3:21-28, Taga Galacia 2:15-16 at Mga Hebreo 11 na nagtuturo sa atin na tayo'y inaaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya at biyaya ng Dios at di dahil sa mabubuti nating gawa. 4. Basahin sa Mikas 7:18-19 upang maunawa kung paanong ang pagpapatawad ay binalangkas na daan-daang taon pa bago ipinanganak si Kristo sa lupa.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Paano nagaganap ang ating pagkatubos? 2. Bakit kailangang humingi ng kapatawaran sa kasalanan ang bawat Kristiano araw-araw? 3. Sa anong paraan nalilipat ang aking mga kasalanan mula sa aking sarili patungo sa hindi nagkakasalang sarili ni Kristo? 4. Ano ang nadarama mo tuwing nakikita ang lubos na pagkakaangkop ng Matanda at Bagong Tipan?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
XI. Ang pagkabuhay na muli ng katawan. 1. Basahin sa Lukas 16:19-31 na doon ay ipinaliliwanag ni Hesus ang mga mangyayari sa buhay matapos mamatay. 2. Basahin sa Taga Filipos 1:21-24 upang maalaman ang damdamin ni Pablo tungkol sa buhay at kamatayan. 3. Basahin sa Apokalipsis 20:11-15 upang makita kung paano hahatulan ang madla. 4. Basahin sa I Juan 3:1-3 ang laki ng pagkaka-iba ng kaisipan ng Kristiano at ng hindi. 5. Basahin ang I Taga Corinto 2:6-9 upang maunawa kung ano ang nakalaan para sa Kristiano.
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Ayon sa talinhagang ito (sa Lukas 16:19-31) makikilala kaya at magkakaroon ng damdamin sa isa't isa ang yumaon nating mga mahal sa buhay doon sa kabila? 2. Ano ang dapat maging damdamin ng isang Kristiano tungkol sa paglisan niya sa buhay na ito sa lupa at sa pagpasok sa kawalang-hanggan? 3. Basahin din ang Mga Awit 139. Nakababahala kaya o nakaaaliw sa iyo na maalamang alam na lahat ng Dios ang lahat nating iniisip at ginagawa? 4. Bakit ayaw magsisi ang bawat isa sa kanilang mga pagkakasala at dumulog kay Hesus upang magtamo ng kapatawaran. Tingnan din ang Mateo 24:36-40. 5. Ang pagiging naroon kaya ng Dios ay siyang magiging tunay na luwalhati ng Langit?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 5. _____________________________________________________ ________________________________________________________
XII. At sa buhay na walang katapusan. Siya nawa. 1. Basahin ang II Taga Corinto 5:1-6 upang higit na maunawa ang tahanang panglangit. 2. Basahin ang Apokalipsis 22 at subukang ilarawan sa pahat mong kaisipan ang nakalaan doon para sa atin. 3. Basahin sa Mateo 6:9-13 ang dalanging itinuro ni Hesus sa Kanyang mga alagad. 4. Basahin sa II Taga Corinto 1:18-20 at sa Apokalipsis 22:21-22 at alamin kung paano ginamit ang salitang "Siya Nawa".
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
Mga Tanong: 1. Ano ang dapat nating isipin at pagpapahalaga sa tahanang- panlupa at mga ari-arian? 2. Ano ang dapat na magawa ng pangitain nating panglangit sa buhay nating panglupa? 3. Sa ulirang dalangin na itinuro ni Hesus, nakatutulong bang mailarawan mo sa isip ang langit, kung alagatain at sambahing ganap ang Ngalan at kalooban ng Ama? 4. Yamang ang pinagmulan ng salitang Siya Nawa ay nangangahulugang "tunay, tapat, at tiyak", ano ang dapat na magawa nito sa ating pagbabasa ng sinulat ni Juan na inihayag sa kanya sa aklat ng Apokalipsis?
Mga Sagot: 1. _____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ ________________________________________________________ 3. _____________________________________________________ _______________________________________________________ 4. _____________________________________________________ ________________________________________________________
matapos kong mapag-aralan ang Salita ng Dios, di ba angkop ang panahon na siyasatin ang aking sarili? Ano ang kaugnayan ko kay Hesukristo ngayon? Tulad ng isinasaad sa II Timoteo 3:14-17 ang Bibliya ay mapapakinabangan para sa maraming bagay; datapuwa't ayon naman sa Santiago 2:19, ang pagkaalam lamang sa Salita ng Dios ay hindi sapat na makapagligtas. Upang ang isang tao'y maging tunay na anak ng Dios, kailangang magpatuloy na sa tatlong baytang na tulad ng sumusunod: 1. Pagkilala sa kasalanan. Basahin ang Lukas 18:9-14, II Samuel 11 at 12:1-13 at Mga taga Roma 3:10-12. 2. Pagtanggap ng Kaligtasan. Basahin ang taga Efeso 2:1-9, Markos 16:16 at Juan 20:24-28. 3. Pangmadlang kapahayagan at Pagtanaw ng Utang na Loob sa Dios. Basahin ang Mateo 10:32-33 Lukas 23:39-43 Santiago 2:26 at Isaias 6:8. Basahin at bulayin ang mga paksa at hakbang na ito, pagkatapos dumalanging may pagsisisi at tanggapin sa puso ang Panginoong Hesus bilang sarili mong Tagapagligtas at Panginoon ng iyong buhay. Dahil dito... Layunin Ang Layunin ng pagkasulat ng munting aklat na ito ay upang makatulong sa mga nagsisipag-aral ng Bibliya. Sa Mateo 18:19-20 ay sinasabi ni Hesus: "Kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila." Maaring kopyahin ang mga nasulat sa araling ito, Kailangan lamang ang aming pagka-alam at pahintulot. At kung nais pa ninyo ang mga karagdagang wika na i-agapay dito, mangyari lamang na sumulat o makipag-alam kay Les Hendricks, c/o Christian Hope Association, 205 South BC Avenue, Suite #105, Lynden WA 98264, USA. Sisikapin niyang madulutan kayo ng ganap na kasiyahan Walang bayad ito. Gawing "Magturu-an tayo sa isa't isa" sa ikaluluwalhati ng Dios. Iyan ang maging layon at panuntunan natin! |